Heneral Luna: Opinyon ng isang hindi makabayang Pilipino – Hungry Geeks
ARTIKULO UNO: Ang hindi sumunod sa utos ng Punong Heneral ay tatanggalan ng rango at ipapapatay ng walang paglilitis sa hukuman ng militar.
Hindi po ako isang makabayan na Pilipino. Hindi ko rin po alam hanggang ngayon kung anu ang tamang gamit ng ‘ng’ at ‘nang’. Marahil ay ikinahihiya ako ng aking mga Filipino teacher noon at marahil ay kapag nalaman ninyo na ako’y isang Filipino na may 100% na dugong Intsik ay i-jojoke ninyo ako na bumalik sa Tsina at huwag namin nakawin ang Spratly’s.
Malamang din ay sabihin ninyo na niluto ng ka-uri ko ang FIBA championship. Subalit sa pagkatapos kung mapanuod ang palabas na Heneral Luna, baka tawanan ko na lang din ang mga joke ninyo. Kahiya hiya ang Pilipino…
Sa kasamang palad dahil sa aking skedyul, kakapanuod ko pa lang ng Heneral Luna. At sa kasamang palad hindi ko sana siya papanuorin kung hindi lang sa hype ng mga tangang Pilipino na hindi alam na paralitiko si Apolinario Mabini. Tanga!
Sa totoo lang, sa aking napanuod, malalaman mo na wala na ngang pag-asa ang Pilipinas. Lagi nalang nagwawagi ang kasamaan at panglilinlang bago ako pagkamakabayan. Alam natin na sa daming sawsaw sa kasaysayan, ang accuracy ng palabas ay maaring nag-iba na. Maaring hindi totoo na si Paterno at Buencamino ay mga traydor. Maaring baliw talaga si Antonio Luna, at maari rin na hindi kasing gwapo ni Gregorio del Pilar si Paolo Avelino. Pero sa katotohanan ay noon pa man, gahaman na ang Pinoy sa kapangyarihan. Isipin mo si Aguinaldo, sinabi niya na hindi siya ang nagpapatay, at si Luna ang kanyang pinakamagaling na Heneral pero sa dulo ay hindi rin niya eto sinuportahan. Ni hindi man lang niya pinakulong si Ketsup Eusebio o pinahanap ang tunay na pumatay sakanya. Sumurender siya sa kano, pero ang mukha niya ay nasa pera natin para ipagyabang na bayani natin siya. Leche!
Nakakahiya. Ewan ko ah, pero parang lahat ng presidente natin lagi tayo may reklamo. Sa history class natin isipin natin ang pinag-aralan natin tungkol kay Aguinaldo bilang ating unang presidente Hindi naman sinabi na siya ang pumatay kay Bonifacio pero alam natin na Pinoy ang kumatay sa kanya- which is medyo kahinahinala na ang unang ng rebolusyon ay hindi naging unang presidente. Tang ina, sa kawit na balwarte ni Aguinaldo pinatay si Andres? Nga nga na lang tayo. Si Quezon naman ay may tubercolosis at ama ng wika? Eh anu ngayon? Laurel ay puppet naman daw ng Hapon. Tapos? Ang mga sumusunod ay non-sensical president dahil wala naman gera so hindi masyado na-ituro at binagyan pansin ng mga guro. Sumunod si Marcos daw na diktador, Cory na wala naman daw naiambag kundi kagulo at ang mahiwagang People Power revolution na ginawang template ng minority upang patalsikin ang ibang presidente. Si Ramos na gusto mag charter change.
Si Erap na action star na hindi ko alam ano naiambag kundi ang pagsikat ng Jueteng. Sumunod si Gloria na nandaya. Muntik pa tayo magkaroon ng action star na presidente for the second time. Si Noynoy naman…
Ewan ko. Sunod si Binay na alam na ngang nag nakaw hindi pa madisqualify sa pagtakbo. Ang demokrasya sa Pilipinas ay isang malaking joke lamang. Sa mga consipary theories na lumulutang, malabong ni-isa dito ay hindi totoo. Sa People Power revolution pa lang malalaman mo na hindi mahirap patalsikin ang isang presidente ng iilang milyon sa pagrally lamang sa EDSA. Marahil dahil isla isla ang Pilipinas at nahirapan ang iba na pumunta ng Maynila galing Visayas o Mindanao para sumama pero majority ng sumali sa rally ay mga taga-Maynila. Iilang milyon lamang ang naki-isa, so pano ang demokrasya na sinasabi kung hindi nakapaghayag ng boses ang nakakaraming botante at residente ng Pilipinas.
Sa mga umaasang may review ng pelikulang ito. Paumanhin na at may mga konting spoiler akong nabanggit at hindi review kung hindi isang opinyon ko ang nailathala; ngunit ang kahulugan lang naman ng palabas para sa akin ay hindi para bigyang pugay si Antonio Luna. Dahil sino ba naman si Antonio Luna? Kung maalala ninyo ang elementary days at high school days ninyo, si Antonio Luna ay hindi laman ng paksa ng ating mga guro. Siya lamang ay isang supporting karater sa ating kasaysayan. Mas tanyag pa ang kanyang kapatid na si Juan Luna, ang Gregorio del Pilar at ang Tirad Pass, Gabriela Silang. Kumbaga hindi natin alam ang kanyang na-ambag sa digmaan.
Pagkatapos ay puro Jose Rizal at Bonifacio ang mga pelikula na naipalabas kahit alam na alam na natin ang nangyari sa dalawang bayani na iyon. Nakakasuya at nakakaboring na ang history ng Pilipinas na gumagalaw lang sa dalawang tao. Buti pa nga ang Iglesia ni Kristo; nabigyan na ng biopic si Felix Manalo; pero ang iba nating bayani tulad ni Melchora Aquino; Gabriela Silang; Marcelo Del Pilar; Gregorio Del Pilar; Juan Luna etc., ay hindi pa nabigyan ng screen time, kung meron man ay pawang mga supporting characters lang sa pelikula.
Para naman sa akin, ang Heneral Luna bilang palabas ay sumasalamin sa buong Pilipinas na hindi tayo natututo sa pagkakamali, at dahil diyan walang pag-unlad na nangyayari. Hindi ba puwedeng lahat tayo ay maging Heneral Luna at unahin natin ang bayan bago sarili? Ang sagot ay hindi. Aminin natin na hindi naman tayo kikilos kung walang kapalit. Lahat tayo ay may personal na interest. Lahat tayo ay pawang mga Buencamino, Aguinaldo, at Paterno. Sa panahon ngayon; marami sa atin ay nagpapaka-Mabini na akala mo paralitiko na walang magawa at puro satsat sa pagiging makabayan wala naman aksyon. Sus! Alin ka sa kanila?
Ngayon kung napanuod niyo na yung pelikula niya, at least kilala na natin siya. Sana lang naging happy ending ang pagtatapos, pero mukhang umaasa nalang tayo sa happy ending ng Pilipinas. Sa totoo lang mas nakakawalang gana ang mabuhay dito sa bansa pagkatapos panuorin yung palabas. Bakit kamo? – Ang Pilipinas ay masiyahin; mahilig tayo sa mga bagay tulad ng Jollibee; #Aldub; Vice Ganda; mag-anak ng madami; sa kasabihang “okay na maging mahirap, basta masaya tayo”; pero pag dating ng hirap i-sisi nalang natin sa iba. Marami sa ating kababayan ay pagnahirapan ay ituturo sa gobyerno. Tama nga naman. Pero nagbayad ka ba ng tamang buwis? Kung hindi ay tumahimik ka na lang. Sanay tayo sa sarap; sa siesta at sa paki-usap; pero sa dulo ay may ginawa ba tayo para umunlad? Wala.
Tama ka na kakabuhay ng dugo yung pinaglaban niya, pero after more than 100 years, ang kaso ay may nagbago ba? Marami naman ang nagbago:
- Dumami at nagbago ang mga mukha ng mga Paterno, Buencamino at Ketsup Eusebio.
- Mabibilang na lang sa kamay ang mga Heneral Luna, Bonifacio at Rizal.
Sa mga bumubuo ng Heneral Luna. Salamat at binagyan ninyo ng pansin ang ibang bayani. Malamang tuwang tuwa si Antonio Luna at ang kanyang mga ka-anak. Malamang ay pumalakpak din sila nuong napanuod nila itong pelikula sa kabilang buhay. Tapos tang ina pala ni Jun Emilio Aguinaldo Abaya dahil hindi daw fatal ang trapik sa Maynila, at hindi niya magets na may halong fiction ang pelikula.
Maikling Review
Goodluck sa Oscars! Kahit matalo dun at least may puso!
Pros:
Ang galing ni John Arcilla. Patunay na madaming malulupet na artista tulad ni John Arcilla; Mon Confiado (Emilio Aguinaldo); Joem Bascon (Paco Roman); Archie Alemania (Eduardo Rusca); Noni Buencamino (Felipe Buencamino) *Tunay silang magkamag-anak; Mylene Dizon (Isabel); Ketsup Eusebio (Pedro Janolino); Lorenz Martinez (Tomas Mascardo).
Yung comedy, drama ay napakalupet. Kailangan silang bigyan ng parangal sa pagbibigay na makahulugang komedya na hindi dinaan sa slapstick komedy. Maganda din ang make-up at costume design – dugo kung dugo. Binaril kung binaril. Dumi kung madumi.
Cons:
Baka dahil sa budget; ang mga props ay hindi ganoon kaganda. Ang mga amerikano ay nakakabadtrip at hindi magaling na mga artista. Ang mga depiction ng digmaan ay kulang sa sundalo. Para lamang silang nagpa-paintball sa Boom na Boom.
Verdict:
Pagpinanuod mo ang Etiquette of Mistresses bago ang Heneral Luna. Punyeta ka! Babasahan ka ni Antonio Luna ng Artikulo Uno.