Eleksyon 2016: Why I would vote for Miriam and maybe Bongbong Marcos – Hungry Geeks
Miriam Santiago at Bongbong Marcos. Ito ang pinakamatunog at pinakanapupusuan kong tandem bilang presidente at bise presidente. Ang tanung ay kung bakit hindi si Poe at Chiz, Mar at Leni, at Binay at Honasan? May Cayetano pa at Trillanes pa sa pagka-bise presidente.
Simpleng tao lang naman ako. Hindi ko sinasabing eksperto ako sa politika, at hindi ko din kilalang personal ang mga tumaktakbong mga kandidato. Sa halip, pinilit ko pong magbasa at manuod ng mga video tungkol sa mga kandidato. Sa dulo ang aking pagpili ay base sa aking pagkahilig na pagpili ng sa mga dark horse. Hindi si Jejomar Binay ang aking tinutukoy. Ang mga nakasulat sa blog post na ito ay pawang opinion ko lamang na may konting halong research.
Miriam Santiago
Dahil hindi tatakbo ang radikal na si Rody Duterte ng Davao City bilang presidente, si Miriam na siguro ang best choice bilang dark horse sa eleksyon 2016. Madami ang napakamot ng ulo ng inununsyo ni Sen. Miriam Santiago na ang kanyang running mate ay si Sen. Bongbong Marcos. Darating rin tayo diyan, sa ngayon simulan natin ang diskusyon kay Miriam Santiago.
Chix din ang malupet na senadora dati ah!
Si Miriam Santiago ay isang Ilonggo, valedictorian at magna cum laude sa lahat ng antas from grade school to college. Nagtapos sa UP Visayas, sa UP college of Law, nag-aral muli sa US sa University of Michigan, sa Oxford, sa Harvard, Cambridge, at Hague Academy of International Law.
BOOM!
Naging RTC judge siya ng Quezon City dahil sa pagka-appoint sa kanya ni Ferdinand Marcos. Kahit appointee ng tinaguriang dictator ng Pilipinas, siya ay sumalungat sa Martial Law. Sa panahon naman ni Cory Aquino ay ginawa siyang commissioner of immigration and deportation. Ang Pilipinas ay binansagan na “the fake passport capital of the world”, at sa kanyang panunungkulan ay kinulong nya ang mga hinayupang mga illegal aliens kasama na dito ang mga batikang Yakuza galing Japan. Dahil dito madami ang nagtangkang patayin ang ginang, at sinabi niyang “I eat death threats for breakfast.”.
Siga ang Lola mo! Inilagay din siya bilang kalihim ng Agrarian Reform. Dito ipinakita ni Santiago ang kanyang loyalty ay sa tao at hindi sa gobyerno. Ang mga tauhan ng mismong departamento ay mga hayop, ang mga lupain ay dapat na ipamahagi sa mga magsasaka ngunit ginawang negosyo ng mga taga-DAR ang mga permit at binenta ito sa mga haciendero para bumalik sa kanila ang lupa. Nang ma-ungkat ang Hacienda Luisita, nagbitaw ng salita si Miriam na dapat ibalik ang mga lupain sa mga magsasaka. – Sa maikling panahon, tinanggap ni Cory Aquino ang pagbibitiw ni Santiago bilang kalihim.
Noong 1992, ako ay 3 years old, unang tumakbo bilang presidente si Miriam Santiago. Sa mga panahon na ito, siya ay sinubukan patayin habang nangangampanya. Sinasabi rin na sa limang araw na pagbibilang ng boto ay si Miriam ang nangunguna laban kay Ramos, ngunit sa kasamaang palad siya ay natalo. Ang sabi niya ay dahil sa malawakang pandadaya.
Sadyang magaling si Miriam Santiago, sa kanyang angking galing, sinisira ba niya ang kanyang pangalan sa pag-tandem sa pag-dikit sa isang Marcos, partikular na si Ferdinand Marcos Jr. aka Bongbong Marcos! #NeverAgain – yan ang hashtag tuwing may lalabas na balita tungkol sa Martial Law, at siya rin ang hashtag ang gagamitin kung ayaw mo sa mga Marcos. Pero sino nga ba talaga si Bongbong Marcos maliban sa anak siya ni Ferdinand Marcos? At ano ang magagawa niya kasama ang matinik na si Santiago?
Matinee Idol eh!
Bongbong Marcos
Isang Lasalista at graduate ng LSGH si Bongbong. Pumunta ng England para mag-aral at nakakuha ng special diploma sa Oxford University. Sa mga nagtatanong kung bakit special diploma lang ang kanyang nakuha, ang aking sagot ay kung ikaw ang anak ng presidente, mag-aaral ka pa ba? Gala nalang at chix ang aatupagin mo sa ibang bansa hindi ba? ?
Chix dig Bongbong! So fly!
Ang kanyang political career ay hindi kasing tingkad ng kay Santiago. Majority ng kanyang pamamalagi sa politika ay naka sentro sa Ilocos Norte, bilang bise gobernador, gobernador, congressman. Naging senador ang batang Marcos nuong 2010 lamang sa pamamagitan ng alyansang KBL na partido ng mga Marcos at Nacionalista ni Manny Villar. Tiniwalag si Marcos sa KBL at nanatili sa Nacionalista.
PUNTO KUNG BAKIT SILA ANG NAPUPUSUAN KO:
Ang aking punto, si Senadora Miriam Defensor Santiago ay isang magaling na mambabatas. Mataas ang PR skills, masungit at may kamay na bakal. Marahil ang mga Pilipino ay takot sa ganitong pang-uugali. Sa aking experience, gusto ng Pilipino na kahit papaano nakaka-angat tayo sa batas. Ang magandang example niyan ay kapag may magnanakaw, at nagnakaw siya ng manok, gusto natin sila pagbigyan dahil kawawa naman siya.
Inisisi natin sa gobyerno ang kanyang kahirapan sa gobyerno, at hindi sa kanyang ugali na tamad at ayaw magtrabaho ng marangal. Marahil sabihin mo na ako ay elitista, nagkakamali ka. Ang magandang ehemplo sa mga may kaya ay ang kaugaling palakasan. Dahil lagi sinasabi ng mga mayayaman na tama sila magbayad ng buwis, dapat lang sila pagsilbihan ng mga pulis, at ng mga government official; kumbaga may special treatment lagi, at sa pagkakataon na maipit tayo; maglalabas tayo ng library ng calling card ng mga mataas na tao sa ating mga pitaka. Or, sadyang malaki ang dayaan sa eleksyon at nabibili ang boto ng madlang Pilipino, or sadyang bobo at hindi marunong mag-isip ang mga Pilipino. Nakakalungkot isipin…
Ang isyu naman kay Bongbong ay isa siyang Marcos… PUTANGINA NINYO LAHAT. Eh binoto niyo si Noynoy na isang Cojuanco tapos yung lolo niya ay isang traydor noong WWII… yung lupa nila sa Hacienda Luisita hindi pa napapamahagi, tapos pumapatay pa sila ng magsasaka; binoto niyo si Erap uli sa Maynila…. Nanalo si Bong Revilla noong may tape na lumabas na andaya siya. Si Gloria nanalo din sa Pampanga. Eh kung hind ba naman lahat tayo tanga! #NeverAgain? Kalokohan. Hindi ko man naranasan ang Martial Law, may nagsasabi na naging maganda, may nagsasabi na masama ang Martial Law. Sa statistics, bumagsak ang ekonimiya ng Pilipinas pamamahala ni Marcos, noong nasipa ba siya gumanda ba? Hindi din eh! Puwede bang #NEVERAGAIN nalang lahat ng tumakbong politiko?
Si Santiago at Marcos ay nagbitaw ng pinakamabigat na mga promise.
Santiago promised “If I become president sometime in the very near future, this country will be much better that it was before. Today this country suffers from the malaise of plunder.” This clearly stating her platform. Decades ago, she was already fighting off plunder and she shall continue to do so when she becomes president.
The Strongman’s Son, Bongbong Marcos; although being criticized for defending his father. Of course he will defend his father! (Unlike Chiz Escudero whom I watched on TV proclaiming his love for his then wife, and his children on a lifestyle show, then after two weeks filed for anulment and went on to marry Heart Evangelista.) Has done great projects for Ilocos Norte, he drawing a campaign centered for economic and social challenges in hopes to mimic what he has done for Ilocos Norte. Sana lang, pinapanalangin ko sa Diyos na ibalik na niya ang pera na itinago ng tatay niya at ng nanay niya. Okay lang naman na idefend niya ang tatay niya, pero sana huwag na niya ilagay sa pedestal ang mga ginawa ng tatay niya. Medyo lumalabo lang yung kuwento niya, gets namin na tatay mo siya and hindi mo siya puwedeng pag-salitaan ng masama. Pero, puta naman, ang dami niyang kasalanan sa Pinas. Buti nga hindi ka ginugulpi pag nakikita ka ng mga tambay sa kanto eh. He might not be the right candidate, but he might be the most experienced one for the vice presidency.
Why not other presidential bets and vice presidential bets?
Mar and Leni – I could never vote for an administration ticket because it goes against the my “dark horse” policy. Also, Mar had points from his wife Korina in playing the good cop on camera. Unfortunately, he was caught bullying a Romualdez.
And this video:
Leni is a good vice presidential bet. But with Chiz, Cayetano, Trillianes, Marcos, and Honasan. I don’t think Leni has any chance of winning. Even if she is the wife of Jesse Robredo.
Poe and Chiz – Can’t really name one thing Poe did for the country. MTRCB? Nah! Ang masakit pa, isa siyang bona fide kampi sa lahat. When her father died, she went back and made a run for a senate seat. Doing so, he was under Team PNoy, but was also running as independent, which gave her the freedom to run as a guest candidate for leftist party Bayan by Teddy Casino and Satur Ocampo. She was also a guest candidate of Team PNoys main opposition UNA of VP Binay. So basically she was a candidate of all Parties with different motives for the government. Chiz, well I don’t like how he left his wife for Heart. It’s just sad that he had no balls to stay and try to make his family work.
Binay and Honasan – The BIHON BINGO tandem is the worst. Binay is known to be a close ally of the Aquino’s from the Marcos era. Sabit din itong si Binay sa mga anumalyang transactions sa Makati. Ang bali-balita, lahat ng condo na nasa Makati ay mayroon siyang special unit bago ma-apruba ang building permit. Matinik itong si Binay. Sama mo yung mga kabobohan at kabalastugan ng mga anak niya.
Ang BiHon tandem!
Yung Junjun ay dinate pa si Kris Aquino, tapos naghari-harian sa Dasmarinas village, tapos itong vice president nakipagaway pa sa pulis noong gipitan sa Makati City Hall. Punyeta.
Si Gringo? An honorable and legendary Philippine Scout Ranger, isa sa malupet na bata ni Enrile, at isa sa mga tumulong maging successful ang Edsa Revolution. He was awarded by Cory Aquino for his actions against the Marcos regime. Afterwhich, he headed a special group in the defense ministry to stage coup attempts against Aquino.
Medyo hawig niya si Piolo Pascual
The coup resulted to deaths of many civilians. He has since then been granted amnesty, became senator in 1995, 2001, 2007 and 2013. He now seeks the position of vice presidency. TANGINA NIYO!
Trillanes and Cayetano – Simple lang ang sagot ko dito. Ayaw ko na rin mag-research tungkol sa kanila ng matagal. Si Trillanes ay isang mabilisang Honasan. Nag mutiny sa Oakwood; tangina nagpasok pa ng tanke sa isang hotel.
Tapos dahil akala ng mga tao ay siya ang modern Katipunero, ay nilagay siya sa senado. May saltik sa utak tong taong toh….
Si Cayetano, sorry, panget siya. Milya milya ang layo niya sa kapatid niyang si Pia Cayetano. SOBRANG LAYO LANG! Tingin ko magaling ka naman, pero panget mo lang talaga. ? Sorry. Although alam kong magaling kang mambabatas, I just don’t see you becoming more than a Senator. With all respect to Senator Cayetano, gusto ko siyang makitang senate president in the future.
Verdict:
WALANG MANGYAYARI SA POLITIKA SA BANSA. Kahit ten times pa tayo mag people power, mga hayop at sariling interest pa rin ang papairalin ng mga politiko. Lahat tayo hindi natin alam ang interest ng lahat ng tatakbong presidente at bise presidente, Miriam Santiago pa yan, Marcos, o Trillanes pa yan. Masakit man isipin, hindi natin malalaman kung paano nila papatakbuhin ang bansa hangga’t naka-upo na sila sa puwesto. Ang magagawa lang natin ay magresearch, makinig sa kanilang plataporma, bantayan ang kanilang galaw, at magbasa at manuod ng mga nagbibigay impormasyon tungkol sa kanilang mga plano. AT BUMOTO NG TAMA PARA SA BAYAN! Goodluck Pilipinas sa 2016.
*Disclaimer: This is only my personal opinion. This whole blog post does not reflect the views of the whole team managing HungryGeeks.ph
Comments
comments