Paano ba pumili ng isang Forex Broker sa Pilipinas | News and Reviews
Maraming pakinabang ang pamumuhunan sa pera ng ibang bansa, ngunit ito ay mahirap gawin nang walang tulong galing sa isang matinong Forex broker Philippines.
Ang isang Forex broker ay isang tao o grupo sa industriya ng pananalapi o finance na tumutulong sa mga nagnanais pumasok sa negosyo ng foreign exchange nang hindi kinakailangan ng malaking halaga at espesyal na relasyon sa isang bangko – dalawang bagay na dating kinakailangan ng industriyang ito.
Subalit, sa panahong ito, hindi madaling kilalanin ang mga katangiang kinakailangan ng isang magaling na Forex broker. Paano nga ba pumili ng Forex broker sa Pilipinas?
Unahin ang sariling kagustuhan.
Sa pagpili ng isang Forex broker, ang unang bagay na hindi dapat kalimutan ay ang sariling kagustuhan pagdating sa industriyang ito.
Isang halimbawa nito ay may iilan na mas binibigyang halaga ang kadalian ng transaksyon kaya mas pinipili nilang maghanap ng mga broker na ito ang maibibigay sa kanila. Ang iba naman ay mas pinipili ang mga broker na mayroon nang mga makabago at mas madaling paraan ng transaksyon o pagbayad, katulad ng wire transfer o Paypal.
Dahil dito ay naghahanap sila ng broker na maaring magbigay sa kanila ng opsyon na tugma sa kanilang mga nais.
Alamin kung sila ay lehitimo at regulated.
Lahat ng transaksyon ng pera ay madalas may kaakibat na panganib kaya nararapat lamang na siguraduhin kung ang iyong napiling Forex broker ay kwalipikado at sumusunod sa batas. Sa pagpili ng isang Forex broker, dapat alamin kung sila ba ay regulated o binabantayan ng gobyerno.
Dapat mo rin alamin kung sila ay lehitimong ahensya at kung protektado ba ang iyong pera. Isa pang mahalagang bagay na dapat alamin ay kung nasa magkahiwalay na account ang iyong pera at ang pera ng iyong broker.
Ang paniniguro kung ang iyong napiling Forex broker ay lehitimo at regulated ay mahalaga para maiwasan ang mga scammer na nais lamang kunin ang iyong pera.
Hindi masyadong mataas ang leverage.
Isang palatandaan ng isang scam ay ang mga hindi kapani-paniwalang o hindi makatarungang leverage. Ito’y ang mga broker na nag-aalok ng mga leverage na masyadong mataas para mas mabilis nilang makuha ang iyong pera. Tulad ng ibang investment scam, ipinapangako nila na dodoble ang iyong pera sa loob lamang ng maikling panahon.
Para maiwasan ang mga ganitong pangyayari, humanap ng mga broker na nag-aalok ng makatotohanan o kapanipaniwalang leverage kapalit ng paglago ng iyong pera upang maiwasan ang mga panganib na hindi naman kinakailangan.
Kilalainin ang kanilang trading platform.
Sa pagpili ng isang Forex broker sa Pilipinas, kinakailangang alamin kung ano ang kanilang ginagamit na trading platform. Ang trading platform ay ang paraan ng namumuhunan na konektado sa merkado o financial market.
Dahil dito, ito ay isang mahalagang aspeto ng pamumuhunan na kailangan isaisip. Ang trading platform ay dapat madaling gamitin, mayroong mga instrumento na pangpag-aanalisa, at mayroong madaling proseso ng pagpasok at paglabas sa mga kalakalan o trades.
Kung ang disenyo ng kanilang platform ay hindi mabisa o masyadong magulo, mas marami kang pagkakataong makagawa ng mga pagkakakamaling makasasama o makasisira sa iyong investment.
Isang halimbawa ng magandang trading platform ay ang Metatrader. Ito ang pinakasikat na trading platform dahil sa mga kapaki-pakinabang na serbisyong ibinibigay nito sa parehong bot makers at namumuhunan.
Alamin kung sila ay may maayos na serbisyo at suporta sa kanilang kliyente.
Katulad sa ibang bagay, may mga pagkakataon na nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan, kahit sa mga Forex brokers. Dahil dito, mahalaga ang paghahanap ng isang Forex broker na madali at maayos kausap, at may kakakayahang sagutin ang lahat ng iyong katanungan.
Ang mga scammer ay madalas naglalahong parang bula matapos nilang matanggap ang iyong pera. Isang paraan upang maiwasan ito ay ang pagsubok sa kanilang demo account upang mailista ang lahat ng iyong mga katanungan. Suriing maiigi kung maayos nilang masasagot ang mga ito ng tama.
Mahalaga ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa iyong broker dahil ang Forex trading ay isang industriyang tuloy-tuloy at hindi nagpapahinga. Maaring kailanganin mo ang kanilang tulong kapag may hindi inaasahang mga pangyayari.
Konklusyon
Kung nais mong pumasok sa kalakalan ng foreign exchange, mainam na maghanap ng isang Forex broker na maaring tumulong sa iyo. Ang pagkakaroon ng isang Forex broker na iyong mapagkatitiwalaan ay isa sa mga makakatulong sa seguridad ng iyong pamumuhunan.
Hindi maitatanggi ang kahalaganahan ng maiaambag ng isang mahusay na Forex broker sa pagbuo ng epektibong estratehiya tungo sa patuloy na pag-unlad ng iyong pananalapi.